top of page

USEFUL Tips to Parents who Send their Kids to School

Writer's picture: OneKerisOneKeris

To all mommies, daddies, lolas, lolos, aunties, uncles, nannies and to all who send there child in school, pls take time to read this one:


Situation 1: ayaw ni anak/alaga mag paiwan sa school, umiiyak at gusto ng sumama pauwi.

Solution 1: para maiwasan po ang 'separation anxiety' na tinatawag, gawin po natin ang ma sumusunod: 1. Mind Conditioning - kausapin po ninyo ang anak ninyo kung bakit mahalagang pumasok sa school, atleast 2mos. Before the opening of the class, lagi nyo na po binabanggit sa kanya na mag-aaral siya.

2. Involvement - yes po, involved po natin ang mga anak natin na papasok sa school lalo na ang mga 1st timer (pwd rin sa mga sanay na) sa pamimili ng nga gamit nila, paghahanda ng baon nila at marami pang iba upang maramdaman nilang para sa kanila ang ginagawa mo. Magkakaroon sila ng 'sense of responsibility' sa mga gamit nila dahil involved sila sa pamimili, pag-aayos at sa marami pang bagay. 3. Encouragement - dapat sa inyo po nagsisimula ang encouragement para po sa mga anak ninyo na kaya na po nilang pumasok sa paaralan. Kaya na po nilang mag-isa sa school, kaya na po nilang makihalubilo sa mga kapwa-bata nila at higit sa lahat, kaya na po nilang mag-aral. 4. Rewards - karamihan sa mga bata ay nakukuha sa extrinsic motivation, like 'if di ka iiyak at magpapaiwan sa school, pupunta tayo ng mall' something like that po pero hindi po dapat masanay si anak sa ganito 😊 5. Trust - yes po, trust. Lalo na po sa mga parents na 1st time po magpaaral ng anak, pls po mag tiwala po kayo sa mga sumusunod: A. Sa School - pinili po ninyo ang school na yan kasi alam po ninyo na matututo ang anak ninyo. B. Kay Teacher - siya po ang magsisilbing 2nd mom/dad nila sa school, trust them po. Alam po nila ang kanilang ginagawa 😊 kapag sinabi po ni teacher na iwan na po ang anak ninyo, iwan po ninyo at wag puro silip sa classroom 😅✌🏻

C. Sa Anak po ninyo mismo. Yes po, magtiwala po kayo sa baby po ninyo na kaya na niyang mag-isa kahit baby ang tingin ninyo sa kanya 😅 kaya nya na po makihalubilo sa kanyang mga kapwa-bata.

6. Appreciation - matuto po kayong i-appreciate ang mga little achievement po ng anak ninyo like sa bahay, marunong na siyang magsuot ng socks mag-isa at sa school, may star sya na nakuha kay teacher o ndi nabasa ang shorts/skirt nya nong pumunta sya ng CR. Mga simpleng bagay na nakakaligtaan natin pero malaki ang impact sa mga anak natin.


Tandaan: sa pagkatuto ng mga anak, hindi lamang si teacher at school ang may pananagutan. Napakahalaga po ng papel na ginagampanan ng mga magulang.


17 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page