top of page

Pay increase ng mga guro tinatrabaho na — Palasyo

Writer's picture: OneKerisOneKeris




HINAHANAPAN ng solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagtataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong eskuwelahan sa bansa.

“The President is not reneging on his commitment,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Pane­lo at iginiit na isang dating guro ang ina ni Pangulong Duterte kaya mahal nito ang mga guro.


Sinabi pa ni Panelo na ginagawa ng mga economic manager ni Duterte ang lahat ng paraan para maibigay ang dagdag-sahod.

Dati nang inanunsyo ng Punong Ehekutibo na magbibigay ito ng dagdag sahod sa mga guro matapos na doblehin ang sahod ng mga militar at pulis.

“As u all know there have been many things that occurred during the three-year term, and the President had to increase the salaries of the soldiers as well as the PNP. As he ably explained, these are the front-liners in securing our country and when they go out of their homes, half of their feet already are buried on the ground,” ayon pa kay Panelo. (Prince Golez/Aileen ­Taliping)

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page