top of page
Writer's pictureOneKeris

Mensahe para sa General Assembly of Grade Ten Parents and Gala Orientation

Mensahe para sa General Assembly of Grade Ten Parents and Gala Orientation

By Dr. Delfin R. Hernandez Jr.

Binabati ko po ang lahat ng mga magulang ng mag-aaral ng Grade 10 dahil ang inyong mga anak ay magtatapos na sa kanilang junior high school at magsisimulang papasok sa Senior High School. Ang kanilang pagtatapos ay bunga ng pagsisikap ng mga magulang, mga guro at pamunuan ng paaralang ito. Saludo ako sa mga magulang na ginagawa ang lahat para lamang magawang makapagtapos ng mga anak nila sa basic education.

Hinihimok ko ang lahat ng mga magulang na sa Senior High School ng KERIS ipasok ang kanilang mga anak para makatiyak tayo na ipagpapatuloy ng mga anak ninyo ang pag-aaral at makatapos ng senior high school para pwede na sila makapagtrabaho at sa parehong panahon ay makapagkolehiyo. Ang ating senior high school ay pinamumunuan ng mga magagaling na guro ng ating paaralan. Piling-pili ang mga guro na inilagay natin sa departamentong iyun para makatiyak tayo na mataas na antas ng edukasyon ang matatamo ng ating mga mag-aaral. Nakakasiguro po kayo na nasa magandang kamay ang inyong mga anak kung sila ay mageenrol sa senior high school natin. Apat na tracks ang inoofer ng ating paaralan—ng Academic Track (Para dun sa gustong mag kolehiyo); TVL Track- para doon sa gustong makapagtrabaho na sa larangan ng technology, vocational at livelihood; Arts and Design Track- para doon sa gustong magtrabaho na sa larangan ng sining (Teatro, pagkanta, pagguhit or pagpinta, pagsusulat at sa iba pang larangan ng sining); at Sports Track- para doon sa gusto ng magtrabaho bilang coach sa sports, bilang atleta ng bansa, bilang coach sa fitness training, at coach sa ibat-ibang uri ng sports areas. Sa bawat track po ay may ibat-ibang strands at specialization ang pwedeng pagsanayan ng inyong mga anak. Ang atin pong paaralan ay may mataas na kalidad sa pagtuturo at may ka tie up na mga kompanya para kapag nakatapos na ang inyong anak sa senior high school ay may tatanggap na kompanya sa kanila. Inirerekomenda ko rin ang Asian Christian Theological School and Colleges para dun sa malapit sa lugar nito. Ang ACTS Colleges, Inc na naka base sa 503 Eagle St., G2 Village, Pinagsama. May Memorandum of Agreement po tayo sa ACTS Colleges. Strategically located po ito sa kabilang lugar ng c5 highway at may recognition sa DepEd at CHED at maganda ang facilities nito. Mataas din po ang kalidad ng pagtuturo sa paaralang ito. Sa pageenrol sa inyong mga anak ay gagamitin po natin ang automatic enrolment kung saan ang inyong mga anak ay automatically enrolled na sa ating Grade 11. Kaya hindi na kayo mahihirapan na magenrol kasi po ay automatic enrolled na ang inyong anak. At yung malapit sa ACTS ay ieenrol po natin sa paaralang iyon ang ilan sa ating mga mag-aaral para sa kanilang convenience. Ang atin pong Senior High School ay libre at walang babayaran kahit magkano- libre din po ang uniform provided by the City Government of Taguig. Ngunit kung mag agreement ang mga magulang na gusto nila magkaroon ng iba pang uniform ay pinapahintulutan ko na sila ang magkaroon din ng ibang uniform basta hindi po exorbitant ang presyo ng uniform. Ngunit hindi po dapat ito sapilitan. Para po dun sa mga mag-aaral na nakaenrol sa Academic Track- ABM Strand, dapat po sila ay may isang araw na naka formal business attire para masanay na sila magsuot ng pormal na damit para sa opisina sa BGC at iba pang central business districts na possible po nilang pasukan kapag nakatapos na sila. Kung may katanungan ang ating mga magulang, bukas po ang ating paaralan para sa inyo. Pwede ninyo po ako imessage sa ating Facebook group o kaya sa ating Facebook Page o sa atin cellphone 09205914997 at handa ko po sagutin ang inyong mga dinudulog sa atin. Magjoin din po kayo sa ating Facebook Group na binubuo ng lahat ng mga magulang ng KERIS para masubaybayan ninyo ang mga latest na programa, proyekyo at activities ng ating paaralan. Maraming salamat po sa inyo Pagpalain nawa kayo ng Diyos.

11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page